29.5.09

Personal Note on the Hayden Kho Issue


Ang balitang Hayden Kho - Katrina Halili, etc. controversy ay patuloy na nag-iinit. Halos lahat ng mga headlines, flash reports, atbp. ay nagbibigay ng updates ukol dito. Kaya naman, tuwing mapapanood ko ito sa TV, sa simula't-simula pa lamang ng isyu ay talaga namang naglilitawan ang aking pananaw sa isyu.

Base sa pahayag ni Hayden Kho na "... Sana let us try to condemn the sin, not the sinner... " aking napag-isip-isip... May point naman siya. In fairness, kahit papaano, at kung ating iisipin -- oo nga, nagkamali siya nang kuhanan niya ng videos yung mga partners niya. Ngunit tulad nating lahat na may weaknesses, si Hayden ay nahulog sa bitag ng kanyang kahinaan. Base sa pakikinig at pagbabasa tungkol sa mind and its capabilities, nalaman kong lahat tayo ay may taglay na kahinaan. Ang kahinaang ito ay maaari nating malabanan sa pamamagitan ng maraming techniques. Pwede tayong mag-employ ng iba't-ibang defense mechanisms at coping means upang maka-cope sa mga stressors, mga hindi magandang experiences. And later, pag nasanay tayo sa mga maaaring maging habit na ang mga ito.

Sa case ni Hayden, naging resort niya ang sexual pleasure na naattain niya through making videos. It's just so sad for him kasi nagkataong nagkaconflict sila ng ex-friend niya, kaya ayun, naging talk of the town siya. Iba talaga pag sumapit ang tadhana... Hayy...

Well, for me, sana magkaroon pa rin ng space for forgiveness. And sana maiwasan naman ang pagdaragdag ng hindi makatotohanan ukol sa tunay na isyu. Kung anuman ang nangyari ay nangyari for a reason. More or less, ang incident na ito ay ang hudyat upang magising-gising na ang mga tao sa outcome ng mga actions.

We can't say, but for sure, marami ring gumagawa ng equivalent ng ginawa ni Hayden pero hindi lang sila namemedia. Pero asan sila ngayon? Nagpapatuloy pa rin malamang ng ginagawa nila! Kung iisipin, pwedeng sila sana ang nasa katayuan ni Hayden, pero hindi eh.. Showbiz kasi. At madali siyang mapapansin dahil doon. Kaya naman, sana lang, kung meron mang mabuting dulot ang isyung ito, panigurado, iyon yung lesson na ipinapaabot nito sa taong-bayan -- na magbago na para sa ikauunlad ng ating mga sarili...


No comments:

Post a Comment

Nuffnang